Lyrics to Pasko And Damdamin
Pasko And Damdamin Video:
Nagbungan ng lahat iyong mga tagtitiis
Sa lupang sinilangan, ako'y muling mababalik
O, kay tagal din naman ng aking pagkalayo
Sa kagustuhan kong sa hirap buhay mahango


Maraming araw at gabi ang aking binuno
Mga mahal ko ang nagpalakas ng aking loob
Hindi ko napansin ang takbo ng mga oras
Ngayon nga ako'y pabalik na sa Pilipinas


Pabilis nang pabilis ang tibok ng aking dibdib
Habang ang eroplano'y palapit nang palapit
Sa bayan kong kay tagal ding hindi ko nasilip
Ngayon ay muli ko na itong mamamasid


Unti-unti bumababa itong sinasakyan
Ang sabi ng stewardess ituwid ang upuan
Lalapag na ang eroplano sa aking Inang Bayan
Ang sayang nadarama walang mapagsidlan


CHORUS
Pasko ang damdamin
Pasko ang damdamin
Pasko ang damdamin
Pasko ang damdamin


[Repeat all]
[Repeat CHORUS thrice]
Songwriters:
Publisher:
Powered by LyricFind